Oh amazing na talaga ang panahon ngayon pati tricycle may free wifi na. Na-imagine ko tuloy kung sakaling sumakay ako dun tapos tinanong ko kay manong dyarber ang password (if required) ng wi-fi tapos ang tagal komonek hanggang sa nakarating na sa kanto hindi pa din gumana hanggang sa bumaba ka na... OH Amazing ; Tricycle free wi-fi. sayang nag padala sa pang enganyong free Wi-Fi. Kasi naman kailagan i-update ang FB status na with my boyfie o di kaya'y at..... kaso waley.
anyways, Si janet napoles na may patong ng 10 milyong pesoses sa ulo; na common sense authorities malamang nakalabas na yoon ng bansa. Siguro pinaglihi sa tressure yang si napoles.. bukod sa naka-mana sya ng mga negosyo ay sadyang magaling talaga syang magtago at kapag pilit mo syang hinahanap lalo syang hindi mag papakita. Kaloka ka naman napoles, gagayanin mo pa si Lacson mag tago saka na lang lilitaw kapag hilaw na at limot na ang isyung ipinupokol sa'yo o di kaya'y lilitaw kang may malubhang sakit na tanging Pork barrel fund na lang ang only choice mo para mapagamot ka, at sa paglitaw mo napoles ay nakapaglagay kana ng eyebrowliner brown ---yung mukhang sponsored ng nike.
gaya mo din ang Tricycle Free WI-FI na yun, paasa, isang marketing strategic. Malayo pa ang lalakbayin ng isyung PDAF. Hindi ganoon kadaling mag move on kapag malalim ang sugat. Yung Araw-Araw sa balita may bagong surpresa; ninang sa kasal nina chenelen si napoles, bago itatangging hindi sila close, sinibak si chenelen dahil kasabwat sa bilyong pesos scam bago pa yun natanggap sa trabahong inapplyan nya after makapasa ng civil service . Kaloka ka napoles. nabibilang mo na siguro ang mga true friends mo ngayon. ang hirap naman ng sitwasyon mo.
Buti na lang hindi ako nakasakay sa Tricycle free Wi-Fi na yun.
"No one is above the law. Justice will prevail..."
No comments:
Post a Comment