Wednesday, September 11, 2013


#LoveRain
Ang tagal na pala natin hindi nagkikita..
ang dami nang nangyare na muntik na tayo matuluyan kasi naman baliw ka.. namimiss na kita talaga.
Sa tunay namimiss ko na ang bonding natin dalawa, ang miming at ang food trip natin together yung habang nasa byahe tayo mag kwekwentuhan lang tayo ng mga plans natin sa future.Yung aalukin mo ako ng spaghetti pag nagtatampo ako sayo at trying hard mo akong papatawanin kapag may nagawa kang kalokohan para magkabati tayo. Yung kahit after the New years eve pupuntahan mo ako at may dala kang favorite kong chicken. Naalala ko pa nun sinagi mo ako nun nag lalaro tayo ng Basketball sa WOF, at ang madaming madaming tickets na nakuha natin. kapag my sukli barya sa pamasahe natin nilalagay mo sa bag ko tpos ssbihin mong itago mo na lang yan for our future.. "duh! piso piso barya barya..." o tinatamad ka lang itago un.. pag dating ng panahon pambili natin ng montero sports na kulay puti, ganon ba?.pero nasa akin pa naman yun e.

Those nights na kinakantahan mo ako ng ibat ibang songs na sabi mo harana yun mag dodownload ka pa ng minus one para maganda nga naman ang performance... at pinaka sa lahat ay nung kinantahan mo ako ng Beautiful in my eyes kasi paborito ko talaga yun at sabi ko kung sino makakanta noon sa akin e isa syang God given..  At binilihan mo pa ako ng mga acessories na hindi naman talaga ako nag susuot nun pero nagagalit ka kapag hindi ko suot yung mga yun, niloloko mo pa nga ako na baka lalaki talaga ako kaya wala akong suot na ganun... kaya ayon nakasanayan ko na din ang only bracelet ko na regalo mo nung sinagot kita binigay mo pa yun sa akin noong dumaan ako sa work mo at pinakilala sa iba at ang earrings super gift mo nung 100 days natin.

Nung napaiyak natin ung dalawang kids ksi nakita nila tayong dalawa umiinom ng chuckie. Kapag sinasamahan mo akong bumili ng shoes natakot kang isuot ko kasi subra syang mataas nag aalala ka baka matapilok ako.

Ang dami ko na din nakilala na ibat ibang uri ng Ate; si Ate na naubusan ng dugo, si ate na wow ha proud pa, si ate na super friends fake pla, Si ate na know the truth, Si ate na know no logic, Si ate na ah talaga, hindi ko alam, si ate na seen (insert the time here), si ate na nothing but a friend, si ate na tips naman oh baka mabiktima ako, si ate na but i don't mind, si ate na SOO, si ate na Ikaw ba yung, si ate na sorry akala ko at may, ok bye.

Ayaw mo kasi gagalingan kaya lagi kang nasa husgado. Lagi tuloy napapasabing : You have the right to remain silence... Alam mo kung palaging my criminal liability yung mga yung habang buhay na pag kakakulong na siguro ang sentensya sa iyo... sabi mo palagi:Yan Yan na naman ang pagiging Lawyer mo, Pinag prapraktisan mo na naman ako!sasagutin naman kita palagi ng: e kung hindi ka nagawa ng kalokohan! tapos sagot mo naman: Oo na aamin na ako.. ako na ang masama, sorry na.

 At dahil Mahal kita, my chance ka pa isa na lang talagang pagkakamali at naku kahit bilhin mo pa ang isang tindahan ng rosas at mag handa na puro Joli spaghetti at sobrang madaming manok, chocolate at ice cream; e ayaw ko kasi masisira ang diet ko.

Madami dami na din sleepless nights na kapag nag aaway tayo e hindi dalawin ng antok kasi kailagan natin ayusin bago sikatan ng araw. May mga pagkakataon na din na nag mamadali kang mag kita tayo para magkaayos tayo.

Yung moment na akala mo parang sa movies na may dalang rosas haha, nga nga. pero may dalang spaghetti, Oo. Ang saya saya ng relationship natin kahit madaming pains at alam ko madaming hindi tanggap na tayo dahil sa alam na nating dalawa yun...

Madami pang heartaches ang dadaan at mga taon na tayo e hindi mag kikita, madami ding magagandang memories na nangyare at mangyayare pa...

Parang Spaghetti, Iba't - Ibang paraan ng pagluluto may paraang Amerika, Latino, Italyano at sympre matamis na lutong Pinoy, padamihan ng sangkap, minsan kahit walang asukal basta my alternatibong gatas ok na, lutong pinoy pa din minsan lagyan mo ng belle pepper para kahit papano medyo espesyal ang dating mala pizza hawaian ang aroma o di kaya'y kapag naubusan na talaga ng pasta at karaniwang madami pang sause maari mo itong iulam sa kanin dahil meaty naman sya. 

Kaya chill ka lang Honey may sulosyon tayo jan... =)

May balak kang iwan ako, nababasa ko sa mga mata mo..

May balak kang iwan ako, nababasa ko sa mga mata mo.."

Hindi ko naman inasahan e at hindi ko din naman ginusto na mawala ka sa akin. Ilang taon kitang iningatan lalo na sa masasamang loob kahit na ang nangangawit na ang balikat ko at napapagod pero ikaw pa din ang iniintindi ko. Hindi ko naman kasi inasahang mangyayari yun hindi --hindi. Hindi ka man lang nag paabiso, masakit kasi. Nung last night maayos ka pa naman di ba, na enjoy pa nga natin ang gabi habang kumakain ng sneakers at tobleron na bigay ni ate kaye--ang saya ko pa nga noon di ba. Ikaw ang una kung hahanapin sa umaga at bago ako matulog ikaw din ang aking iintindihin na dapat safe ka dapat maayos ka. 

Ilang taon akong nasanay na ikaw ang aking palaging kasama bukod kay Denise na itinuring kna ding kapuso, kapamilya at kapanalig. Dahil nung march 2011 habang kami ay pinapaulanan ng sermon ni sunflower na mala squash sa plants vs. zombies andun ka ginagawa mo ang iyong tungkulin kahit ako'y lumuluha na, gilas na gilas ka pa din.

Di mo man lang sinabi; wala ka man lamang pa'abiso. Di ko kaya sa buhay ko'y ika'y mawala...

"Miss Sorel, You are late. di ba I told you na you're allowed to absent 3 consecutive times with permission but this time late ka naman tapos noong last time quota na absent mo. why don't you just resign for good? 

(Soooorrrryyy pooo... ) Teary eyed, kasi po may nangyare po hindi inaasahan ih.

What was it, gaano ba ka'importante sa'yo yun. at napapabayaan mo pati trabaho mo. Love Life? akala ko ba ok na kayo ng Bf mo.

Hindi po ito tungkol doon ma'am, si ten ten po. si ten ten po.. 



Oh, I see, That's why you're hurting like that, ok I'll gave you 2 more weeks to mourn at nakikiramay ako sa'yo in behalf of our colleagues. Ok, you may leave.
Danny!, Please i half mask mo ang flag natin, something happened.

Nangako ako sa'yo na hindi kita pag tataksilan kahit ang dami daming maaring higit pa at maaringpumalit sa'yo, akin ka lamang at ikaw ay aking iingatan tapos ngayon iniwan mo na akong nag iisa. sabi nga; "saying goodbye is not an easy thing.." bakit parang ang dali dali lang sa'yong iwan ako.

Siguro nga napagod kana, siguro nga masyado ka na mahina na akala ko ganoon ka katatag. hindi ko agad agad matatangap ang pag iwan mong ito sa akin pero yun ay para matapos na ang iyong matagal na paghihirap. Kahit saan man tayo mag punta noon, sa food court ng sm, sa free wifi ng science building sa banog, sa filmex, sa bahay nina anjuyan ni bette, sa aking mga napagtrabahuhan kasama kita ang dami dami mo nang napuntahan magkasama lang tayo, paano na ako ngayon sa mga events at pagkakataon na kailagan kita-- binilihan pa nga kita ng bag pack para dun kita ilalagay pag nag travel ulit tayo. kaso hindi mo na magagamit yun, itatago ko na lamang sya bilang alaala mo.

Nothing compares for what we had. 
[Ten-Ten /July 10, 2010]

Manliligaw

Hindi ko masasabing ok lang sa akin
Dahil lahat naman siguro nang nanliligaw 
Isasa lamang ang layunin
Ang mapasagot ka at angkinin.

Araw-Araw t'wing hapon,
Aabangan kita sa harapan ng eskwelahan nyo
agad kong kukunin ang daldala mong gamit,
sabi nang nakakita: "ayy, naholdap ata si Ate..?!

Siguro nga hindi tayo bagay
Bagay ka sa kapwa mo mag aaral
di gaya ko hamak na tambay,
sa ngayo'y walang maiibigay.

Hindi ako mag abala pa na ikaw ay replayan
Dahil alam kung hindi kana din mag aabalang
ako'y kausapin pero kung sakaling ika'y napasa akin
Pangako ko sanang magiging tapat palagi.

Sa Baggage counter sa Super Market
Staff: Sir, wala na po ba mahahalagang bagay sa loob ng bag.
Hon: Wala. Kasama ko na ang mahalaga sa akin...

Kilig 



Kahit gaano pa kataas ang Standards mo, maiinlove ka parin sa taong hindi mo inaasahang magugustuhan mo.

Diba palagi mong hanap yung Gwapo/Maganda, Macho/Sexy, Mabait, Gentleman, funny, Chinito/Chinita, at kung sino sino pang Perfect. Pero sa dulo? Mahuhulog ka rin sa taong kahit kailan, hindi kasama sa mga pinapangarap mo. 

Yung taong yun, walang pinasa ni isa sa Standards mo. Pero ang hindi mo maintindihan, bakit sa kanya ka pa nainlove? Eh siguro kasi ganun talaga. Ganun talaga ang buhay. Hindi ibibigay sayo yung taong gusto mo, kasi ibibigay sayo yung taong kailangan mo. 

Aanuhin mo ang Gwapo/Maganda? Macho/Sexy? Kung alam mo sa sarili mo na yun lang naman yung habol mo? Iba parin yung pakiramdam na Totoo yung nararamdaman mo. 

Iba yung pakiramdam nung PRICELESS ang bawat nangyayari tuwing kasama mo siya. Hindi yung gusto mo lang siya dahil sa Panlabas niya. Ni hindi mo man lang pinapansin ang panloob niyang Ugali. Magmahal ka para sa kanya. Hindi para sa ibang Tao. Kasi nagmamahal ka lang naman ng Gwapo/Maganda kasi gusto mong may maipagmamalaki ka. Gusto mong sumunod sa Uso. At para masabi lang na, ''Oh ang Gwapo/Ganda ng Girlfriend/Boyfriend ko no?"

Napoles Selfie


i am just glad that Napoles surrendered, let the sleepless nights of the corrupt officials begin. Like Gloria Arroyo, Napoles proves there's gender equality in the Philippines where women can be as powerful and as corrupt as men. Im sure yung mga super friends ni napoles na nakinabang din sa pork barrel ay nag mamadali nang kumuha ng bisa papuntang ibang bansa at nagbabait baitan naman ung iba, tumutulong na sa mga nangangailagan para kapag napasangkot maaring makakuha ang suporta sa mga natulugan. 

Napoles has more than 28 homes, a hotel in California, 30 + luxury cars, 3 yachts - central figure in a P10B scam. Anong state witness LANG!? I hope Napoles bares all the corrupt government officials that are abusing the people's money for decades. how can you guys feed your family, send them on schools, impose them to be a good citizen of the nation kung nakaw naman ang iba doon. . Didn't guilt eat their dirty consciences.

Sorry Mrs. Napoles, pero bago kita kaawaan dahil sa mga 'banta' sa buhay mo, uunahin ko munang kaawaan ang milyong Pilipino na ninakawan mo. Moreso, Dahil kusang sumuko si Janet Napoles, kanya na din ba ang 10million reward? oh, well.

Kaso hindi pa din natupad yung wsh ko kagabi na sana naglagay na si napoles ng eyebrow liner na brown yung tipong sponsored ng nike ang peg at May panawagan kanina na ilabas na raw yung pics ni Napoles sa Palasyo with Aquino, pati daw mga selfie. 

para mabawasan ang stress may pick upline ako :" Ang LOVE parang si Napoles, mahirap hanapin. Kung minsan, kusang babalik. "

ANYWAYS, God bless Pilipinas. 

Tricycle na Free wifi


Oh amazing na talaga ang panahon ngayon pati tricycle may free wifi na. Na-imagine ko tuloy kung sakaling sumakay ako dun tapos tinanong ko kay manong dyarber ang password (if required) ng wi-fi tapos ang tagal komonek hanggang sa nakarating na sa kanto hindi pa din gumana hanggang sa bumaba ka na... OH Amazing ; Tricycle free wi-fi. sayang nag padala sa pang enganyong free Wi-Fi. Kasi naman kailagan i-update ang FB status na with my boyfie o di kaya'y at..... kaso waley. 

anyways, Si janet napoles na may patong ng 10 milyong pesoses sa ulo; na common sense authorities malamang nakalabas na yoon ng bansa. Siguro pinaglihi sa tressure yang si napoles.. bukod sa naka-mana sya ng mga negosyo ay sadyang magaling talaga syang magtago at kapag pilit mo syang hinahanap lalo syang hindi mag papakita. Kaloka ka naman napoles, gagayanin mo pa si Lacson mag tago saka na lang lilitaw kapag hilaw na at limot na ang isyung ipinupokol sa'yo o di kaya'y lilitaw kang may malubhang sakit na tanging Pork barrel fund na lang ang only choice mo para mapagamot ka, at sa paglitaw mo napoles ay nakapaglagay kana ng eyebrowliner brown ---yung mukhang sponsored ng nike.

gaya mo din ang Tricycle Free WI-FI na yun, paasa, isang marketing strategic. Malayo pa ang lalakbayin ng isyung PDAF. Hindi ganoon kadaling mag move on kapag malalim ang sugat. Yung Araw-Araw sa balita may bagong surpresa; ninang sa kasal nina chenelen si napoles, bago itatangging hindi sila close, sinibak si chenelen dahil kasabwat sa bilyong pesos scam bago pa yun natanggap sa trabahong inapplyan nya after makapasa ng civil service . Kaloka ka napoles. nabibilang mo na siguro ang mga true friends mo ngayon. ang hirap naman ng sitwasyon mo. 

Buti na lang hindi ako nakasakay sa Tricycle free Wi-Fi na yun. 

"No one is above the law. Justice will prevail..."

Honey, masyadong maalat ang adobong ito




Pasensya ka na ha kailagan ko pag pagan ang na tuyong luha mo na bakas sa iyong unan siguro natulog ka na naman umiiyak dahil sa isang bagay na hindi mo maitamatama. Tahan na wag mo nang isipin ang mga bagay na patuloy na nagpapahirap sa iyo. Hindi mo man ipakitang ikaw ay nahihirapan munit batid ko na siguro tinitiis mo lamang upang hindi ako mag alala nang labis.

Biglang nag bago ang iyong buhay kung noon hindi ka nauutusan sa inyo samantalang ngayon ang dating makinis at malakandila mong mga kamay; nag sisimula nang magkaroon ng kalyo ang mahahaba mong daliri na tila ba hindi na ito sing hulma gaya ng dati. Tuwing gabi kahit alam kong dinadalaw ka na nang antok ay matyaga mo pa rin akong hinhihintay galing sa trabaho upang pag dating ko mapag sisilbihan mo ako at nag aabang ka ng bagong kwento mula sa akin upang ang buong maghapong pag kabagot ay mapawi. Gayunpaman sa likod ng iyong mga ngiti ay bakas ang kalungkutan.

Munit naiisip mo ba kung ang pinili mo ay ang isa mong manliligaw na nakatapos ng Inhenyero at balak kang dalahin sa ibang bansa upang doon manirahan marahil hindi ganito ang iyong buhay kasama ako. Tahan na Honey, kahit minsan na nga lamang tayo makabili ng karne hindi pa tama ang timpla mo; kunin mo ang natirang bente pesos sa bulsa ng aking pantalon. Bumili ka sa tindahan ng Tig-ootsong suka o di kaya’y lagyan natin ng luya mala lutong ilokano—marami-maraming maaring remedyo. Kayang kaya nating itama ang laging sablay mong timpla ng adobo at kapag nangyre yoon hindi ka na iiyak gabi gabi.. hindi ka ba nag sasawa sa araw araw na palagi na lamang ganito hindi ito ang buhay at panagarap na nais mo; hindi pala tunay ang "when we're hungry, Love will keep us alive.."

Kahit labag man sa aking kalooban ikaw ay isasauli ko na upang kalungkutan mo ay maparim at mabalik muli ang dating ikaw na mala sinag nang araw ang ngiti sa tindig at giliw lahat ay maakit. Kung sakaling hindi mo matiis ang wala sa aking piling at siguro’y tama na ang timpla ng adobong ihahain mo sa hapunan marahil babalik ka sa akin.

Proper Communication para sa magkarelasyon


Minsan may mga bagay lumalaki dahil sa hindi natin namamalayan na over acting na tayo. at sa pagiging over acting natin nagiging paranoid na tayo at nag kakasanga sanga ang isang maliit na problema. 

Lalaki: bakit ba sya nagalit sa akin? ah kasi.. hindi ko sya binati ng happy monthsarry. nakalimutan ko ba mag iloveyou o ay nkalimutan ko lagyan ng soo much o forever o nung tawagan naming (insert tawagan here). waaa

oh di ba..sanga sanga. isipin mo muna ng root ng problem. Monthsarry nyo b tlga ngayon? double check sa kalendaryo. review inbox and other msgs na recntly sent. 

kung talagang nag kamali ka mag sorry ka na lang dapat ksi ang sorry ay affordable kagaya ng iloveyou. same with the girls. 

hindi ganito:

Babae: bakit hindi ka na nag text! may iba kang katext nu! sabi mo mag chacharge ka lang anu yan slow charger. wala akong pakialam kung mahina signal mo! ayw ko ng marinig paliwanag mo!

sarado ang isip ng ganyan girl. patawarin mo na lang ikaw din mawawalan ka ng special someone. mahirap mag move on. wla nang mag aalala. walang mg bbgay ng flowers kpag valentines. wala nang soo fort.. di ba..

proper communication lang para sa dalawang taong nag kakalabuan...

Si Honey at Ako sa National Book Store (got to believe in Magic)


Pag nagkakaroon ako ng time lumabas tambay talaga ako sa National book store o Book Sale.. Kung saan masarap manghagilap ng Kakatuwang Novels at Iba't ibang pampadagdag kaalaman books. 

Basa dito Basa doon. Never mind the boy friend minsan napipilitan lang sya samahan ako sa NBS kasi siguro takot syang magkakaltog ako kapag hindi nya ako pinaunlakan.

Kapag andun na kami hindi na yan susunod sa akin kasi ang unang section ko na pupuntahan ay libro kung saan na doon ang hilig ko; Criminal Laws, Labor Laws, Family Laws, Civil, consti atbp pampadagdag kaalaman.

magiging katabi ko lang sya ko kapag andun na ako sa "How to make someone fall in love with you in 90 minutes or less" o kaya the turth about boys/girls.. Expert Expert... 

"Sino namang CRUSH MO!... may fall in love in love ka pa dyan"
"IKAW.."

Tuloy lang ako sa pag babasa ng synopsis ng libro... 

"wag na lang yan basahin mo' mag tanong ka na lang sa akin..." 

"Ang great love mo ay hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love. - Para Kay B."

Di ba mas interesting kesa; According to 1987 constitution article Blah! Blah! Blah!

"Meron pag umiibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira" -- Para kay B

"Isang pangako, o biro lang ba yun, ilang mga salita. Pero naghintay siya." -Para Kay B

Hindi ko na malayang naapasarap na ako sa pag babasa---Hanggang sa itinulak ni boy friend ang lagayan ng libro kung saan nakaambang bagsakan ako (SLOW MOTION) at nagmamadaling nag paka'superman at sinagip ako.. at sya ang mabagsakan.

OK ka lang ba???
with his weak voice with matching blood sa ulo: "Wag kang mag alala ayos lang ako..."

awts! Kakainlove naman... Bumalik na ako sa ulirat,
kanina pa pala syang naghihintay sa akin matapos magbasa...at umalis na kami sa NBS. Naisip ko nga pano kung ginawa nya yun... ay naku, ikaw na ikaw na ang papakasalan ko bilang hindi ko alam kung bakit natumba ang book shelves at nag slow mo ang mga pangyayari. 

WAG BALIWALAIN ANG BF sa national book store...

Ingles


Mahirap ka talagang unawain dahil bukod sa hindi ikaw ang kinalakihan ginagamit na lenguahe sa bahay e hindi din ikaw ang pambansang lenguahe na sagisag ng aming bansa na kumakatawan sa aming kultura at pagkakaisa. 

Pero maswerte pa nga tayong mga pinoy ('w're indeed blessed being unkabogables) - ksi kasama sa ating basic curiculum ang subject na english. Kaya kahit papaano alam natin maka'english.

May mga foreing students na professional na sa ibang bansa na nag aaral pa dito sa atin ng english. Requirement daw yun sa kung saan saan international churot.

Kasi dati nagtuturo kami sa mga foreign students ng english. Tapos nalaman ko na ilan sa kanila ay graduate with professional license na. tapos tinanung ko din sila bakit hindi kayo maalam mag english even makaunawa ng kahit plain/simple english. Kasi daw hindi kasama sa curriculum nila ang Subject na English. mas pinahahalagahan daw nila ang wika ng sarili nilang bansa.

yun ba ang dihilan kung bakit maunlad silang bansa?.

pero atleast khit hindi tayo maunlad na bansa o should i say papaunlad na bansa.... alam nmn natin ang isasagot sa 'what is your name o how are you?' kahit pa hindi ka degree holder o without professional license.

kaya nga sabi ko kanina ''were indeed blessed being unkabogables e"

SK--BUWAGIN!

Buti nakita na kita magagalit talaga sa akin ang gwardiya sibil kung nawala nga kita.. Sa personal ko ipagtatapat na hindi ko sinasadyang mamisplaced yun. Hayy subra subra akong nag alala .. 

Anyways, buwaging ang SK? Pabor na pabor ako jan.. Tama naman talaga training ground ng corruption yun at kung nais mong maintindihan ang laro ng pulitika mag hntay kang mag kolehiyo anjan ang legal management, polsci at kung anu ano pang goverment / public service courses.. I recommend Development Communication for sure hnd mo n kailagan mag Sk charaughts para lang maunawaan ang tunay na ibigsbhin ng leadership. 

I've been an SK member before at tuwang tuwa ako kapag natatangap ko na may naka imprinta na : Hon. Amilee Kaleigh Sorel .feeling wonderful hehe.ohh diba mukhang kagalang galang.. Pero wag naman sana na bata pa lamang natutunan na ang corruption paano tayo susulong kung ang mga future leaders ganun na agad ang pag tingin nila sa pulitika. Sa bagay "how can you give if you do not have"
E kaso ang barangay / Sk yan ang pinakabase ng gobyerno sila ang instamedium para maibigay ang tulong sa iyong nasasakupan... At sila ng madaling lapitan yung agad agad.. Hindi nman kapag may problema s pamilya kay mayor agad o di kaya sa presidente agad ang takbo .. 

Oh well, Godbless pilipinas  I never lose hope for our country...
2

New Bus Scheme


La la la...
Buti na lamang hindi ako nasampulan ng southwest bus terminal na yun mahirap nga lang sumakay at mag abang ng PUV kaya mahirap kung killer heels at super skirt ang suot mo..ay talagang wa'poise. Kaya minsan no choice but to ride taxi tapos magbbgay ka pa ng Php 5 sa nag tawag ng taxi e sa totoo naman ikaw ang pumara nun tpos superman sila kapag nkita nila may sumasakay. Daya, anu po?

Nangyare na din ang gnyan scenario sa Batangas City nun nagkaroon ng Batangas City Grand Terminal; na matagal tagal din bago nasulosyunan ang magabok, maputik at kulang sa pasilidad na terminal. Nag welga pa nga ang mga PUV drivers noon halos walang bumiyahe at ung mga nag tatangkang bumiyahe ay pipigilan ng mga kapwa drivers; nabalitaan ko pa nun na sinira ang kalsada para hindi makadaan. Ang resulta malaking kaguluhan at may mga empleyado at estudyante na naabala. 

Mahirap naman talaga ang mag adjust at baguhin nakasanayan para lamang din yan nag mahal ka; tapos bigla syang nag bago tapos sa sobra mong emotionally attached sa minahal mo ay talagang hindi ka makakamove on o makaka adjust agad agad; yung bang na wla ng tatawag sau na loves, sweetie, honey, baby, siopao, siomai, minion haha.. Pero time will heal all aches and marerealize mo na lamang isang araw pag gising mo ikaw ay brand new you with fresh bouncy hair and sinfully sexy body or handsome looks. 

Oh, di ba.. Chill lang sa mga naapektuhan ng new schemes hindi naman yan gnwa upang mas lalong mahirapan tayo sympre hindi maiiwasan ang miscommunications o hindi sapat na abiso at kalituhan. Kay nag kakagulo.. Maayos din yan at maari ding mabawasan ang heavy traffic sa lungsod. 

Anyways, sa Batangas City ok na ok na nakamove on na ang mga taong apektado at naging maayos ang daloy ng trapiko na kung dati halos sa bus na ako matulog at tanggapin maluwag sa dibdib na huli na sa klase.

Quota ng pag-ibig


"Me quota ang pag - ibig. Sa bawat limang umiibig isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa hindi sila iniibig. O iibig ng hindi natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman..".

-Para kay B - Ricky lee

Nung nasa college na pa ako nakipag'balyahan ako s mga classmates ko para mabasa ko ang librong ito. Ilang araw at linggo ang pinalipas ko sa kakahintay para makabasa ako. Dahil nun nag aaral ako hindi aq nag kakaBf at mas lalong hindi ako crush ng crush ko.. Hindi naman aq nag hahanap ng perfect guy at lalong hindi ako nag hahanap ng pang display. Bsta alam ko ibbgay ni God un sa tamang panahon kaya ang gingawa ko dati nag sisimba ako tuwing hapon pagkatapos ng class at ggsing aq ng madaling araw para mag basa ng bibliya. Soo idealistic pero gnwa ko talga un... 

Jusko! Ngayun naalala ko ulit ang libro na ito. Hahanap ako ng ebook at babasahin ko ulit ang bawat detalye at ievaluate ko ang sarili ko kung nasa quota ako. 

PopCorn

Last night tinext nya ako.. 

"Kita tayo tomorrow, susunduin kita jan. "

Nag kita kmi at gaya ng dati kumain kmi sa jolibee with joli spaghetti, chicken w/ pineapple juice. Mula nun nanligaw sya sa akin at hanggang nakipag date na aq s kanya at hanggang nagging kami hanggang ngayon un lang ng kinakainan namin. After namin kumain bumili sya ng popcorn at dinala nya ako sa isang park. 
Habang nasa park nagpaalam sya dahil bbili lang daw sya ng inumin. Kabilin bilinan nya tirhan ko daw sya ng popcorn.

Sympre natural talaga akong matakaw kaya subo lang ako ng subo kasi alam ko nmn popcorn lang ng kinakain ko.
Mamaya mamaya bumalik na sya dala ang tubig. Sabay kami kumain ng popcorn habang nag kwekwentuhan.

Nung medyo kokonti na ang natitirang popcorn.. May kakaiba-something na parang hindi sya popcorn.. Napatingin ako sa knya At parang kakaiba din ang ngiti nya sa akin...

Hanggang sa nagulat ako.. May singsing!
"para saan toh?!"
"pahiram ng kamay mo susuot ko na ung ring.."

Infinity ring sya at nagbalat kayo na popcorn with cheese.

"gusto mo talagang patayin ako nuh?paano kung nakain ko yan"
"kaya nga di ba sabi ko tirhan mo ako.." 

Kelan mo masasabing tapos na ang inyong relasyon?=)

Malalaman mo naman na matatapos na ang inyong relasyon kapag hindi na kayo tulad ng dati. Kapag lagi na kayong nag-aaway. Tipong mas marami na yung away kesa sa bati. Tapos nagagawa niyo ng tiisin ang isat-isa. Tipong wala ka ng pakialam kung may hindi mag text ng isang araw. Kawawa dito yung taong sobrang nagmamahal. Hindi masyadong masasaktan sa relasyong ito yung na fall out of love. Kasi dumating siya sa point na biglang nawala yung pag-ibig niya eh.

Kapag ganun at nakakahalata ka na, kung kaya mong ayusin. Ayusin mo, hindi ako makakapagpayo ng kung ano ang dapat mong gawin dahil kayo ang nasa relasyon. Kayo ang may alam ng istorya niyong dalawa. At kapag ginawa mo na ang lahat ng magagawa mo at wala pa rin. Ihanda mo na ang sarili mo na anumang araw eh maari siyang mawala sayo.

Huwag mo dadamdamin ito. Parte ito ng buhay kapag umibig ka. Hindi naman kasi laging masaya ang kahihinatnan kapag nagmahal ka eh. Nagmamahal ka at nasasaktan para matuto ka. Para sa susunod, mas alam mo na ang gagawin mo, mas maalagaan mo ang relasyon niyo at ang sarili mo. Tandaan mo yan.

I wrote this last September 15, 2012..

Kelan mo masasabing tapos na ang inyong relasyon?

Malalaman mo naman na matatapos na ang inyong relasyon kapag hindi na kayo tulad ng dati. Kapag lagi na kayong nag-aaway. Tipong mas marami na yung away kesa sa bati. Tapos nagagawa niyo ng tiisin ang isat-isa. Tipong wala ka ng pakialam kung may hindi mag text ng isang araw. Kawawa dito yung taong sobrang nagmamahal. Hindi masyadong masasaktan sa relasyong ito yung na fall out of love. Kasi dumating siya sa point na biglang nawala yung pag-ibig niya eh.

Kapag ganun at nakakahalata ka na, kung kaya mong ayusin. Ayusin mo, hindi ako makakapagpayo ng kung ano ang dapat mong gawin dahil kayo ang nasa relasyon. Kayo ang may alam ng istorya niyong dalawa. At kapag ginawa mo na ang lahat ng magagawa mo at wala pa rin. Ihanda mo na ang sarili mo na anumang araw eh maari siyang mawala sayo.

Huwag mo dadamdamin ito. Parte ito ng buhay kapag umibig ka. Hindi naman kasi laging masaya ang kahihinatnan kapag nagmahal ka eh. Nagmamahal ka at nasasaktan para matuto ka. Para sa susunod, mas alam mo na ang gagawin mo, mas maalagaan mo ang relasyon niyo at ang sarili mo. Tandaan mo yan.

I wrote this last September 15, 2012..

Komersyalismo


Sige Anne, Erich, soleen atbp. Dagdag pa sa mga commercials ng beauty products at kung anu anung anti wrinkles, papambounce ng buhok at pati pampakislap ng balat. Pero aanhin b natin ang super soft skin at nakakasilaw na kutis ng mga endorsers eh kahit hindi nman sila mag ayos sa harap ng kamera magaganda pa din sila.

Talos ilang pakete na ang nabili mo at ilang sachets wa epek pa din. Kapag ba agaw pansin ang kutis at ang haba ng hair mo matatanggap ka agad sa trabaho walang interview at exams o di kaya kapag broken hearted ka tpos gamit kaalang ng mga commercialized products at mag lakad sa gilid ng kalsada kahit sa gitna para mas agaw pansin tapos mamaya maya may bf ka na.

Aahin ba ni Bf mo ang soft skin at bouncy hair mo? Mag alaga ka nalang ng pusa kung un lang ang habol sayo ng magging kasintahan mo pero siguro trophy nga naman pag artistahin ang kaholding hands mo sa kalsada di ba. Yun oh artista! 

How powerful media is? Pero hindi mo ba naiisip na kung wala yang commercials nila edi sana mas mura ang mga products na yan. Milyon milyon ang ginagastos ng mga clients para iadvertise ang isang produkto anjan pa ng bangayan between directors, adagency at clients bgo maishoot ang isang advertisement mula sa pagalingan sa marketing ng mga excutives, the making ng storyboard, madugong casting, meetings saka pa mag shoshoot. Imagine you will tell a story in just 30secs and it cause millions. Sarap mag work sa advertising di ba. Oh well going back, kahit hindi naman commercialized ang isng product maaring mas effective pa ito anjan naman si pareng google search search muna s sangkap, testi at blogs mas mura pa o kaya mag natural remidies ka na lang.

Point of view---- a blast from the past


Bigla ko naalala ang kwento ng prof ko way back college days.
"Taas nga ang kamay ng gustong mag work abroad?!". 
She was about to leave her career, friends and her family to work abroad as a care giver which she'll be earning lots & lots of money and maybe Uncle Sam will make her dreams come true for her own good. Everything already set passport, papers and even her luggages were packed and she was standing at the airport waiting for her boarding But suddenly, she changed her mind. She run back to her husband which was filled with tears that time. 
"Daddy, hindi na ako tutuloy.."
"ha! Ang tanga tanga mo talaga andito na tayo.. E, bakit ga?"
"I NEVER LOSE HOPE FOR OUR COUNTRY.."

Yes, she's a StateU prof which before has less than 20k a month salary. His husband is marketing clerk. Her first born daughter died because of cancer which lead nothing left to their savings.
Siguro nga tama si prof. As I heard news today maybe our country isn't at stake its recovering. PNoy is doing his best at his reign. Just like his mother ones did after marcos regime; ang ating bansa parang ligaw na pusa, hindi alam kung kanino kakapit, hindi alam kung paano babangon pati likas na yaman na pinagkukunan naabuso ' nasira sa madali't sabi nag hirap ang bansa. Pero it doesn't mean na hindi tayo umunlad sa panahon ni Pres.Marcos ha. Sa panahon nga nya pangarap lang tayo ng mga bansang Japan, china atbpang karatig bansa. Ganyan ang Pinas noon. Maybe Marcos is indeed a genius of all times... Pero siguro kapag nasa harapan mo ang yaman; temptation is hard to avoid.
Our country is trying to get over nag momove on na si Juan De la cruz (not coco martin; ang Pinas) I can say soo it's a bit going to a progress were digging the gold after several years from now siguro mauungusan muli natin ang mauunlad na bansa. 
Never lose hope for our country.. Just like Ninoy said: Filipino are worth dying for. If we lose hope who'll have hope for our country if we Filipinos are not. Do we expect foreingners will do?
Changes isn't happen over night it takes time it takes years and even decades... 
Going back to my prof. She's now blessed w/ two sons which even smart and admirable. She finished her masters and now pursuing her doctoral.degree, and stateu prof salaries increase a bit. If she continue to ride the plane does it changes her life of what she was having today. It was five years ago since i heard her story and it continue inspiring me as well. 
Godbless Pinas! 

Men are easily sort out


Men are easily sort out,especially if you use Sorel’s Decimal Classification System. But it isn’t easy to guest what’s on their mind maybe because they’re too logical thinkers and there is a huge difference between what they act in reality and vague answers you may get when you were trying to figure out why they constantly did the wicked things.

AT FIRST I am not interested knowing him, I mean I am not interested ( triple exclamation marks). I don’t care if he is manly tall or his sinfully broad shoulders has clear not soo smooth complexion and has cool gracefull looks. Maybe because he is taletell being a play boy in his looks.

By fate or another Supercalifragilisticexpialidocious thing out of human control I feel in love with a bloody two to three nth timer (sshh) his a men version of demsels in distress of Marco Puzo. Way back at the beautiful day of May, I am browsing his phone directory having this ‘Z’s’ group contacts followed by names of girls. What does that ‘Z’ mean ? Isn’t when I browse his contacts it can’t easily be seen because it’s on Z and Z is the last letter on the alphabet?, wretched timing boy I always start at the end.. or maybe it means sleepy ‘Z’, girls who were at the ‘Z’ sleeping pills contacts where his past time when i fall asleep texting him or at times I’m busy working. 

DELETE ALL..
“Bakit hindi mo pa dnelete lahat?”
“Ito nakikita ko to sa FB e, Ito yung babaeng...grubby ”

Oh well, Why do some girls giving away their numbers too easily with a nobody knows guy(s). It is because of the above descriptions and can be seen on his photos? Or maybe, his master in art of win over enpowered this girls with such stupid cupid words. 

But this are stories now it happened months ago those time that my tears drowning me, and i could barely see. I felt like somebody poured salt to my already hurting heart. I don’t care about the chat messages from comrades. What matters is “pyo ro rong” telling me that i have a phone call cheering me up take it take it and a sms saying “ Im sorry for everything and I am blaming my self doing stuffs so fort ..” x100 reading the same phrases.. and I think he's a bit changing he is going to church when something happens unexpectedly to us. You know why I'am stood strong enough it is because I only hear God's opinion and that is the only thing follow. To God be the glory 

Transparency


Kudos sa may Bf/Gf, asawa na transparent sa kanilang partner. Yung tipong kaya nilang makipagpalitan ng phone, sim and even passwords ng kanilang facebook account sa kanilang partner..Yung mga taong totoo at hindi mapagkunwari.

The Filipinos are doubtful people. It is indeed the reason why P-noy initiated TRANSPARENCY to all the transactions of the government. I think he believes that through this he'll be able to gain the trust of his subordinates, the Filipino people. And its success is evident with his remarkably high trust ratings.

I think the same applies to romantic relationships. When your girl constantly checks your phone/fb account, it means that you've given her reasons to doubt your sincerity. If you refuse to do that then you may really be doing something fishy. If you know you aren't doing anything wrong, why would you be afraid to be transparent to her?

Hindi yun pamamakialam, yun lang talaga ang paraan para matakpan ang sira sa tiwalang nalamatan na. 

Away Away na to!


Mahirap talagang makipagtalo sa isang taong sarado ang pag iisip. Mahirap intindihin ang taong sa bawat pagkakamali mo tingin nya wala kang nagawang mabuti. At Lalong mahirap makisama sa taong nabubuhay sa nakaraan. Yung tipong hindi alam ang phrase na "The show must go on..", na FEELING nila sila lang ang nabigo, nasasaktan at nalokong tao sa buong mundo. Mas madaling patawarin ang taong umaamin sa kanilang mga kasalanan at malaon e pag sisihan ito; kahit hindi ang isang partikular na tao ang mag bigay ng kanyang parusa; Bahala na ang maykapal mas maalam sya.

May mga pagkakataon kahit gaano ka kagaling ikontrol ang mga emotions mo hindi mo pa din maiiwasan ang mag sabi ng masasakit na salita lalo't kapag alam mong hindi mo na nagugustuhan ang mga nangyayare at hindi na ito naayon sa mga plano mo.
Kaya nga naimbento ang salitang 'SORRY' para gamitin ito sa tamang paraan. hindi man nabubura ng tuluyan ng salitang na iyon ang nakaraan atleast kung bibigyan mo naman ng pagkakataon ang isang taong magbago at itama ng paunti unti at natitiyak ko may magandang kalalabasan.

H'wag kasi tayo mag madali may mga bagay talagang panahon ang hihintayin at hindi parang magic na maayos na lahat.

"Remember my Knowledge lang tayo pero wla naman Magic Power.."