I find my self sitting at a resto far from the entrance but facing it.
Mala native ang tema ng resto na yun, bamboo ang ilang haligi, may pag ka modernong disenyo ang kisame at may maliit na fountain sa may center na nag sisilbing atraksyon ng sino mang guest dito..
iilan lamang ang kumakain sa resto noong oras na yoon di naman ito rush hour o payday blues tamang tama ang mag relax lang umupo at aliwin ang sariling imahinasyon.'ding'
May kakaibang dulot sa akin ang usual na tunog na yun na walang ano ano ay napatingin ako sa pinto ng resto; saktong ang tunog sa resto na yoon ay Got to believe in magic:: "Take me to your heart, show me where to start, let me play the part of your first love." Isang matangkad at may balingkinitang katawan na lalaki ang palapit sa aking kinauupuan. Mukhang kilala ko sya munit di ko malala, na ka shades kasi. Munit ang ngiti nya sa akin ay wagas. Alam ko na sa akin sya patungo sa pagkat sa akin ang diretso nyang tingin. Habang ako naman ay nakatitig din na tila ba isang inosenteng batang kinikilala ang taong iyon at may kaunting ngiting pigil baka sakali kasi ako ay nag kakamali lamang, baka hindi ako, o baka nabighani lamang sya..
Tuloy lamang ang lakad nyang marahan at may ingat. Slow Mo sa aking paningin. At tila ba kumabog ng kunti ang aking dibdib. May sumagi kasi sa isip ko.. hmmm. Hindi sya yoon.. Pinag lalaruan na naman ako ng aking Isip, ang ingay ingay. nakakahiya kung may makakarinig man
"finding out too late, when they've lost it, never letting go, they will never know the ways of Love.."
At.. Nandito na nga sya sa aking harapan. Binaba nya ang kanyang shades.
Bakas ang labis na pag bigla at tila naumid ang aking dila sa pagbikas ng anumang salitang nais kung sabihin.
Si 'Sir', oo sya nga. Ang aking crush, I mean ultimate crush. Si Sir na laging kumukumpleto ng araw ko. Ang palaging laman ng aking isip. *oops. Ang ingay na ng isip ko.
'Hi Miss Ran.'
Ah.Ah. Sir. Hello. Kmusta po?
Okay lang ako. Ikaw. Mag isa ka ah.
Ano po ang ginagawa nyo dito?
Dyan lang. Nag pa medical ako. Tapos nakita kita kya pumasok na ako.. kumain ka na ba?
Hindi pa po Sir.
Tinawag nya ang waiter at nag order ng pagkain.. Ang ganda talaga nyang ngumiti at ang kanyang mga mata sadyang nangungusap. Habang kumakain di ko mapigilang hindi mapatulala sa kanya.. hindi ko na halos ma enjoy ang kinakain ko dahil sa konti ilang sympre crush mo ba naman makasama mo ng hindi inaasahan di ba. Grabe the feels.. Madalas nyang sabihing 'Nakatitig ka na naman..' . 'Uhmm., ang sarap mo po kasing titigan.'
After namin kumain pumunta kami sa SM. 'Welcome to the magical world of SM'
Dun kami pumunta sa Bookstore.
Hinayaan nya akong magbasa ng isang libro sa tabi ng book shelves sabi ko kasi mahilig talaga ako mag basa ng books. Ewan. Munit sadya atang yun din ang tunog sa bookstore. 'Got to believe in magic'
Maya maya. Walang ano ano ay biglang dahandahang tutumba sa akin ang book shelves at since athlete tlaga si Sir. Mabilis nya akong itinulak palayo sa patumbang book shelves at hinayaang sya na lamang ang mabagsakan nito.. sobra akong nabigla. At dali daling inalis ang mga librong tumabon sa kanya. Agad naman umalalay ang staff ng bookstore upang alisin ang shelve at nakita ko na syang nakaharang sa ulo ang kanyang mga kamay.. bigla akong lumapit at kinamusta sya.
'SIR! Anooo... nararamdaman mo.. (teary eyed)
Tumunghay sya sabay bigwas ng maikling bangs sa mala mohook nyang buhok.
'Okay lang ako Ms. Ran. Kesa naman ikaw ang mabagsakan sigurado pisa ka..'
Di ko alam pero ang dami nyang glitters na sumaboy sa kanyang ulo at habang pinapagpagan ko ito. Di ko alintana ang mga taong nakatingin at namamangha sa mga glitters na naglipadan habang pinapagpagan ko sya..
'Magic dust yan Ms. Ran.. Parang magic kung di ka maniniwala di mangyayari. Prang tayo. Maniwala kana lang..'
'Sir. Sari sari ka po.. nsaktan kana nga nag bibiro ka pa..'
*Kablaaaaaggg..*
Sabay ng tunog ng mga nagpatak na microwave pan at mga tongs mula sa kitchen...
Mam. Ok na po ang Big order.
Ahh... Ikaw talaga Adrian! Mugo mugo ka talaga!
Kanina pa kayo jan naka ngiti at nakatulala mam.. haha.. nag iimagine na naman kayo mam..
Ewan ko sayo! Ideliver na yan.
Haaayy. Imahinasyon ko lang pala yun..
My heart wish.
-The End-
Mag babakasyon lang ako at magbabalik sa tamang panahon..
Kung kailan pwede na ang hindi.
Kung saan magkakatotoo na ang magic.
Kaya mo ng panindigan ang 'Akin lang sya!'
sa sinumang aagaw sa akin mula sa kabilang dako.
Yung higit tatlumpong minuto hanggang habang buhay na kitang makakasama.
Hindi ko alam kung paano tayo makakarating sa ganoong tagpo..