Wednesday, September 11, 2013

Manliligaw

Hindi ko masasabing ok lang sa akin
Dahil lahat naman siguro nang nanliligaw 
Isasa lamang ang layunin
Ang mapasagot ka at angkinin.

Araw-Araw t'wing hapon,
Aabangan kita sa harapan ng eskwelahan nyo
agad kong kukunin ang daldala mong gamit,
sabi nang nakakita: "ayy, naholdap ata si Ate..?!

Siguro nga hindi tayo bagay
Bagay ka sa kapwa mo mag aaral
di gaya ko hamak na tambay,
sa ngayo'y walang maiibigay.

Hindi ako mag abala pa na ikaw ay replayan
Dahil alam kung hindi kana din mag aabalang
ako'y kausapin pero kung sakaling ika'y napasa akin
Pangako ko sanang magiging tapat palagi.

No comments:

Post a Comment