Friday, November 13, 2015

Upuan

Naalala ko noon, nung iniwan mo ako sa isang fast food chain dahil may saglit kang pupuntahan. Batid mong maiinip na ako noong una pa kaya ayaw
(c)storiescity.com
mong sumama ako, mag hintay at nais mo na akong paunahin pauwi. Munit, nag pumilit akong mag hinaty na lamang anu ba naman ang hintayin ka sandali. Dami ko ng na order na Burgers at Pies pati pang take out na willing to wait okay na din pero wala ka pa. Tinawagan kita at ang sabi mo. Medyo matatagalan pa kasi may ipinaayos ka pa. Kahit madaming gusto nang umagaw sa inuupuan ko upang kumain at makishare na din di ako umaalis.
Sabi ko na lang sa sarili ko kapag na kaya kong hintayin ka hanggang sa ikay makarating ay hindi din ako maiinip na hintayin ka sa susunod na dalawang taon na tayo ay makakahiwalay, dahil na katakda ka noong umalis patungong saudi upang mag trabaho. Gusto ko kasing sulitin ang bawat pagkakataong maari pa kitang makasama dahil alam kong matatagalan na muli tayo ay magkakasabay bumiyahe pauwi nang magkasama. Nagulat ka nga ng halos nakita mo pa akong na kangiti ng matanaw kita papalapit, hindi ka pa nakakaupo ay ang dami mo ng paliwanag munit lahat ng iyon ay, OO lang at yaan mo na ang aking sagot sabay nag yaya kana palabas upang mag hintay na tayo ng Bus pauwe. Iyon na ata ang isa sa mahabang paglalakbay nating dalawa na higit kumulang tatlumpong minuto lamang mula sa bayan. 
Isang mainit na halik ang iyong iniwan bago ka pumara upang bumaba at tuluyang nag paalam. Hinabol pa din kita ng tingin na may kasamang ngiti hanggang sa hindi na kita matanaw. Tumingin na lang ako sa langit na nag babadya nyang takip silim,  bulong ko : Dalawang taon bago kita makita muli. Hindi ko maitatanggi ang mga luhang nag unahan sa aking mga pisngi bunga ng aking pag tangis. Ngayon pa lamang kasi nangungulila na ako.
Matagal at madaming pwedeng mangyari. Naryan na ang mga sikretong kasalanan na noon pa lang mabubunyag, o di kaya’y ang di sinasadyang magkagusto sa iba at mga pagkukulang dahil ilang special occasions din ang hindi natin ma-icecelebrate at mga masasarap na pagkaing di natin mapapag saluhan, mga pag kabigo at kalungkutan na di mo ako personal na madadamayan at lalo na ang pangungulila bunga ng ating malayong distansya. 
At dahil nga siguro na motivate ako sa mind set ko na yoon hindi ako na inip. Ewan, isang malaking desisyon ang aking gagawin at isang katerbang tiwala at hold on ang dapat kong kasanayan. Madalas tayong mag away at di magkasundo gaya nga ng inaasahan munit sa kabila ng lahat iniintindi mo pa din ako. Paminsan nga hindi ko na alam kong saan mo nakukuha ang pasensyang intindihin ako. Minsan’y may nag tanong sa akin kung paano daw ang Long Distance Relationship.. Aniya, parang imposible daw kasi iyon. Araw araw nga daw silang nag aaway ng kanyang nobya e na nasa di kalayuan lang naman at ilang bus at jeep lang makakarating na sya kung kanyang nanaisin. Maging ako man di ko alam ang isasagot sa kanya, sa kanyang minsan mong pinag selosan at kinaaway dahil may espesyal sa aming namagitan munit iyon naman e wala lang. Masyado lang siguro kaming nadala sa biruang totoo ng mga nakapaligid sa amin.
Naryan ang nawalan ako ng trabaho di dahil ginusto kong mag resign kundi dahil para na din sa aking sarili. Sobrang lugmok ang mundo ko noon at halos mabaliw dahil alam mo kung gaano ka importante at kung gaano ko kamahal ang trabaho na yoon. Araw Araw pa din kitang hinihintay, araw araw ko pa din inaasam na sana ikaw at si Chuckie ay iisa, yakap ko buong magdamag at pinakahuli kong nasisilayan bago ko ipikit ang aking mga mata gabi gabi. Batid ko naman ginagawa mo lahat upang di ko maramdamang nag iisa ako sa mga pagkakataong ikaw lang ang nakakaintindi at mag tyatyagang makinig sa mga drama at opinyon kong walang patutunguhan. 
Huling limang buwan na lang bago kita masilayang muli. Na muli akong magkakaroon ng pagkakataong mayakap ka ng buong pananabik at masaya nating pag sasaluhan ang mga araw na tayo ay magkasama matapos ang mahabang panahon. Ang dami nating plano, ang dami nating gustong gawin munit isa lang naman ang nais ko iyon ay masilayan kang muli, na ang alam ko’y maligaya lang ako kapag ika’y kapiling. 

:)