Wednesday, September 11, 2013

Si Honey at Ako sa National Book Store (got to believe in Magic)


Pag nagkakaroon ako ng time lumabas tambay talaga ako sa National book store o Book Sale.. Kung saan masarap manghagilap ng Kakatuwang Novels at Iba't ibang pampadagdag kaalaman books. 

Basa dito Basa doon. Never mind the boy friend minsan napipilitan lang sya samahan ako sa NBS kasi siguro takot syang magkakaltog ako kapag hindi nya ako pinaunlakan.

Kapag andun na kami hindi na yan susunod sa akin kasi ang unang section ko na pupuntahan ay libro kung saan na doon ang hilig ko; Criminal Laws, Labor Laws, Family Laws, Civil, consti atbp pampadagdag kaalaman.

magiging katabi ko lang sya ko kapag andun na ako sa "How to make someone fall in love with you in 90 minutes or less" o kaya the turth about boys/girls.. Expert Expert... 

"Sino namang CRUSH MO!... may fall in love in love ka pa dyan"
"IKAW.."

Tuloy lang ako sa pag babasa ng synopsis ng libro... 

"wag na lang yan basahin mo' mag tanong ka na lang sa akin..." 

"Ang great love mo ay hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love. - Para Kay B."

Di ba mas interesting kesa; According to 1987 constitution article Blah! Blah! Blah!

"Meron pag umiibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira" -- Para kay B

"Isang pangako, o biro lang ba yun, ilang mga salita. Pero naghintay siya." -Para Kay B

Hindi ko na malayang naapasarap na ako sa pag babasa---Hanggang sa itinulak ni boy friend ang lagayan ng libro kung saan nakaambang bagsakan ako (SLOW MOTION) at nagmamadaling nag paka'superman at sinagip ako.. at sya ang mabagsakan.

OK ka lang ba???
with his weak voice with matching blood sa ulo: "Wag kang mag alala ayos lang ako..."

awts! Kakainlove naman... Bumalik na ako sa ulirat,
kanina pa pala syang naghihintay sa akin matapos magbasa...at umalis na kami sa NBS. Naisip ko nga pano kung ginawa nya yun... ay naku, ikaw na ikaw na ang papakasalan ko bilang hindi ko alam kung bakit natumba ang book shelves at nag slow mo ang mga pangyayari. 

WAG BALIWALAIN ANG BF sa national book store...

No comments:

Post a Comment