Thursday, April 9, 2015

He Offer his Left hand and said Goodbye

Mar 05 2015. 

The last time that I will see him wearing that blue uniform has a duffle bag on his right hand and a clipboard with him.. ready for sales pick up. 

Malungkot. Kasi kailangan ko ng masanay na wala si Sir. Si Sir na aking inspirasyon. Si Sir na hindi ko ma intindihan ang tunay na nararamdaman. Sir Sir na minsang naging dahilan ng kulay ng bawat araw ko at Si Sir na nag patibok ng puso ko. Mag reresign na daw kasi sya dahil pagod na sya sa trabaho nya, marahil palagi ng napapagalitan at nanawa na sa araw araw. Or di na nya trip. Wala na ang passion na parang palaging firstday of work. Pero hindi yun.. Kami? Yun na lang ba. kaya? Siguro. Baka ? Baka. Iniwasan at pinigilan lamang nya ang nararaman nya dahil may GF sya o di kaya sadyang wala lang sa kanya. 😢

Kinuha nya ang Globe at Smart numbers ko binigay nya numero nya na saulong saulo ko na halos araw araw kong inireresite sa mga crew na parang memoriado na din nila. Hinihintay ko syang mag text pero...... 
alam mo na yun. 

Nun last day. Bakas sa mukha nyang ayaw nyang umalis sa tabi ko gusto nyang mag sama kami hanggang siguro maubos ang oras at kelangan ng umUwe. Bago ang araw n yun. Sabi nya: mmm... habang hawak ang bungkos ng perang ilalagay sa duffle bag.. 'Last Day ko na bukas.. anung gusto mong gawin?' Di ko alam ang isasagot ko. Nag hahagilap din ako ng salitang sasabihin sa kanya na gusto kong...... Tayo na lang dalawa.. bingo! Kaso hindi ko sinabi. sa halip hinigit ko sya palapit sa akin sabay inilapit ang kanang pisngi ko sa kanyang pisngi at akmang hahalikan.. tas sabay tulak pa balik. Ngumiti lang sya ... ngiting parang abot langit ang kilig. Ramdam ko sya. Naramdaman ko na may puwang ako sa puso nya... sana... kaso dala ng panahon na siguro huli na para sa amin at hindi na maari. 


Hanggang ngayon. Araw araw ko pa din tinitingnan ang facebook nya at ng kapareha nya. My chismis. Baka buntis na daw si Girl. my signs of pregnancy na din naka post. Sa isip isip ko. So wala na nga lang ba ang lahat Sa kanya ka pa din babalik at sya pa din ang iyung mamahalin. 

Wala syang sinabing kahit anu bago sya umalis. Yung. Mahal kita hintayin mo ako mala teleseryeng eksena ganun. Wala.  mga tiping hahawakan ko ang dalawa nyang kamay at sasabihin nyang Sayang tayong dalawa. Nag iisa ka lamang sa puso ko. Ganyan. Wala. Pinisil nya lang ang mag kabila kong pisngi ng sabay at sabing... anggg taaabbbbaa.... may diin at gigil. Narinig ko din na sinabi nyang bagay sa akin ang rebonded. Maganda ka pa din sa paningin ko. At ang Ganda mo dito. Heaven that Sir. Heaven. 

Hindi ako nasasaktan. walang anumang kakaibang nararamdaman peroayaw kong isiping wala lang ang lahat sa aming dalawa. Kahit pa sya ay malayo na at di na ako maalala sya po ay hinding hindi ko makakalimutan. Special sya na palaging may puwang sa puso ko. Namimiss ko na ang mga ngiti nyang ayaw paawat ang kanyang mga punch lines na nakakakilig. At pag sabi ng ilove u too... kahit di ko na rinig mismo mula sa malayo. Alam ko pag nagkita kaming muli. ang aming naitagong feelings sa isat isa ay manunumbalik. Munit sana hindi pa mag iisang taon si utoy o ineng. 


And he offers his hand and said. Thank you! ---At the end of the day we are in business and we arent connected. #Asa