Mahirap talagang makipagtalo sa isang taong sarado ang pag iisip. Mahirap intindihin ang taong sa bawat pagkakamali mo tingin nya wala kang nagawang mabuti. At Lalong mahirap makisama sa taong nabubuhay sa nakaraan. Yung tipong hindi alam ang phrase na "The show must go on..", na FEELING nila sila lang ang nabigo, nasasaktan at nalokong tao sa buong mundo. Mas madaling patawarin ang taong umaamin sa kanilang mga kasalanan at malaon e pag sisihan ito; kahit hindi ang isang partikular na tao ang mag bigay ng kanyang parusa; Bahala na ang maykapal mas maalam sya.
May mga pagkakataon kahit gaano ka kagaling ikontrol ang mga emotions mo hindi mo pa din maiiwasan ang mag sabi ng masasakit na salita lalo't kapag alam mong hindi mo na nagugustuhan ang mga nangyayare at hindi na ito naayon sa mga plano mo.
Kaya nga naimbento ang salitang 'SORRY' para gamitin ito sa tamang paraan. hindi man nabubura ng tuluyan ng salitang na iyon ang nakaraan atleast kung bibigyan mo naman ng pagkakataon ang isang taong magbago at itama ng paunti unti at natitiyak ko may magandang kalalabasan.
H'wag kasi tayo mag madali may mga bagay talagang panahon ang hihintayin at hindi parang magic na maayos na lahat.
"Remember my Knowledge lang tayo pero wla naman Magic Power.."
No comments:
Post a Comment