Pasensya ka na ha kailagan ko pag pagan ang na tuyong luha mo na bakas sa iyong unan siguro natulog ka na naman umiiyak dahil sa isang bagay na hindi mo maitamatama. Tahan na wag mo nang isipin ang mga bagay na patuloy na nagpapahirap sa iyo. Hindi mo man ipakitang ikaw ay nahihirapan munit batid ko na siguro tinitiis mo lamang upang hindi ako mag alala nang labis.
Biglang nag bago ang iyong buhay kung noon hindi ka nauutusan sa inyo samantalang ngayon ang dating makinis at malakandila mong mga kamay; nag sisimula nang magkaroon ng kalyo ang mahahaba mong daliri na tila ba hindi na ito sing hulma gaya ng dati. Tuwing gabi kahit alam kong dinadalaw ka na nang antok ay matyaga mo pa rin akong hinhihintay galing sa trabaho upang pag dating ko mapag sisilbihan mo ako at nag aabang ka ng bagong kwento mula sa akin upang ang buong maghapong pag kabagot ay mapawi. Gayunpaman sa likod ng iyong mga ngiti ay bakas ang kalungkutan.
Munit naiisip mo ba kung ang pinili mo ay ang isa mong manliligaw na nakatapos ng Inhenyero at balak kang dalahin sa ibang bansa upang doon manirahan marahil hindi ganito ang iyong buhay kasama ako. Tahan na Honey, kahit minsan na nga lamang tayo makabili ng karne hindi pa tama ang timpla mo; kunin mo ang natirang bente pesos sa bulsa ng aking pantalon. Bumili ka sa tindahan ng Tig-ootsong suka o di kaya’y lagyan natin ng luya mala lutong ilokano—marami-maraming maaring remedyo. Kayang kaya nating itama ang laging sablay mong timpla ng adobo at kapag nangyre yoon hindi ka na iiyak gabi gabi.. hindi ka ba nag sasawa sa araw araw na palagi na lamang ganito hindi ito ang buhay at panagarap na nais mo; hindi pala tunay ang "when we're hungry, Love will keep us alive.."
Kahit labag man sa aking kalooban ikaw ay isasauli ko na upang kalungkutan mo ay maparim at mabalik muli ang dating ikaw na mala sinag nang araw ang ngiti sa tindig at giliw lahat ay maakit. Kung sakaling hindi mo matiis ang wala sa aking piling at siguro’y tama na ang timpla ng adobong ihahain mo sa hapunan marahil babalik ka sa akin.
No comments:
Post a Comment