Wednesday, September 11, 2013


Sa Baggage counter sa Super Market
Staff: Sir, wala na po ba mahahalagang bagay sa loob ng bag.
Hon: Wala. Kasama ko na ang mahalaga sa akin...

Kilig 



Kahit gaano pa kataas ang Standards mo, maiinlove ka parin sa taong hindi mo inaasahang magugustuhan mo.

Diba palagi mong hanap yung Gwapo/Maganda, Macho/Sexy, Mabait, Gentleman, funny, Chinito/Chinita, at kung sino sino pang Perfect. Pero sa dulo? Mahuhulog ka rin sa taong kahit kailan, hindi kasama sa mga pinapangarap mo. 

Yung taong yun, walang pinasa ni isa sa Standards mo. Pero ang hindi mo maintindihan, bakit sa kanya ka pa nainlove? Eh siguro kasi ganun talaga. Ganun talaga ang buhay. Hindi ibibigay sayo yung taong gusto mo, kasi ibibigay sayo yung taong kailangan mo. 

Aanuhin mo ang Gwapo/Maganda? Macho/Sexy? Kung alam mo sa sarili mo na yun lang naman yung habol mo? Iba parin yung pakiramdam na Totoo yung nararamdaman mo. 

Iba yung pakiramdam nung PRICELESS ang bawat nangyayari tuwing kasama mo siya. Hindi yung gusto mo lang siya dahil sa Panlabas niya. Ni hindi mo man lang pinapansin ang panloob niyang Ugali. Magmahal ka para sa kanya. Hindi para sa ibang Tao. Kasi nagmamahal ka lang naman ng Gwapo/Maganda kasi gusto mong may maipagmamalaki ka. Gusto mong sumunod sa Uso. At para masabi lang na, ''Oh ang Gwapo/Ganda ng Girlfriend/Boyfriend ko no?"

No comments:

Post a Comment