Wednesday, September 11, 2013

May balak kang iwan ako, nababasa ko sa mga mata mo..

May balak kang iwan ako, nababasa ko sa mga mata mo.."

Hindi ko naman inasahan e at hindi ko din naman ginusto na mawala ka sa akin. Ilang taon kitang iningatan lalo na sa masasamang loob kahit na ang nangangawit na ang balikat ko at napapagod pero ikaw pa din ang iniintindi ko. Hindi ko naman kasi inasahang mangyayari yun hindi --hindi. Hindi ka man lang nag paabiso, masakit kasi. Nung last night maayos ka pa naman di ba, na enjoy pa nga natin ang gabi habang kumakain ng sneakers at tobleron na bigay ni ate kaye--ang saya ko pa nga noon di ba. Ikaw ang una kung hahanapin sa umaga at bago ako matulog ikaw din ang aking iintindihin na dapat safe ka dapat maayos ka. 

Ilang taon akong nasanay na ikaw ang aking palaging kasama bukod kay Denise na itinuring kna ding kapuso, kapamilya at kapanalig. Dahil nung march 2011 habang kami ay pinapaulanan ng sermon ni sunflower na mala squash sa plants vs. zombies andun ka ginagawa mo ang iyong tungkulin kahit ako'y lumuluha na, gilas na gilas ka pa din.

Di mo man lang sinabi; wala ka man lamang pa'abiso. Di ko kaya sa buhay ko'y ika'y mawala...

"Miss Sorel, You are late. di ba I told you na you're allowed to absent 3 consecutive times with permission but this time late ka naman tapos noong last time quota na absent mo. why don't you just resign for good? 

(Soooorrrryyy pooo... ) Teary eyed, kasi po may nangyare po hindi inaasahan ih.

What was it, gaano ba ka'importante sa'yo yun. at napapabayaan mo pati trabaho mo. Love Life? akala ko ba ok na kayo ng Bf mo.

Hindi po ito tungkol doon ma'am, si ten ten po. si ten ten po.. 



Oh, I see, That's why you're hurting like that, ok I'll gave you 2 more weeks to mourn at nakikiramay ako sa'yo in behalf of our colleagues. Ok, you may leave.
Danny!, Please i half mask mo ang flag natin, something happened.

Nangako ako sa'yo na hindi kita pag tataksilan kahit ang dami daming maaring higit pa at maaringpumalit sa'yo, akin ka lamang at ikaw ay aking iingatan tapos ngayon iniwan mo na akong nag iisa. sabi nga; "saying goodbye is not an easy thing.." bakit parang ang dali dali lang sa'yong iwan ako.

Siguro nga napagod kana, siguro nga masyado ka na mahina na akala ko ganoon ka katatag. hindi ko agad agad matatangap ang pag iwan mong ito sa akin pero yun ay para matapos na ang iyong matagal na paghihirap. Kahit saan man tayo mag punta noon, sa food court ng sm, sa free wifi ng science building sa banog, sa filmex, sa bahay nina anjuyan ni bette, sa aking mga napagtrabahuhan kasama kita ang dami dami mo nang napuntahan magkasama lang tayo, paano na ako ngayon sa mga events at pagkakataon na kailagan kita-- binilihan pa nga kita ng bag pack para dun kita ilalagay pag nag travel ulit tayo. kaso hindi mo na magagamit yun, itatago ko na lamang sya bilang alaala mo.

Nothing compares for what we had. 
[Ten-Ten /July 10, 2010]

No comments:

Post a Comment